John Lloyd Cruz photo with Bea Alonzo on their Reunion Project

Admin 12:31:00 AM
IMAGE Photos from Instagram


Nagpahiwatig ba si John Lloyd Cruz na para sa isang proyekto ang pagkikita nila ni Bea Alonzo?

Nitong Linggo, June 16, nagbahagi si John Lloyd sa Instagram ng ilang larawan nila ni Bea habang nasa may beach front kasama ang ilan pang katao.
Dito ay makikitang nag-uusap si John Lloyd at ang nakatalikod na si Bea.
Nag-post din si John Lloyd ng ilan pang larawan na tila behind-the-scenes.
Karamihan sa mga shot ay sa may dagat kinunan. May kuha ring nakasakay sila sa bangka at ang isa naman ay sa yacht.

Base sa post ng fans ng dalawa, kinunan ang mga larawan sa Palawan.
Hindi naman tukoy kung ito ba ay para sa isang proyekto o endorsement. 
Sa interview ni Bea na umere sa TV Patrol nitong June 15, Sabado, hindi rin niya ibinunyag kung para saan ang pagkikita nila ng perennial leading man.


Share this

Related Posts

Previous
Next Post »