Viral ang isang Kasal sa Benguet na mga Gulay ang ginawang dekorasyon

Admin 12:58:00 AM

Sa halip kasi na mga bulaklak ang dekorasyon sa simbahan ay mga berdeng gulay ang ginamit.

Ang nilakaran ng bride, mga abay, ninong at ninang ay may mga gulay rin tulad ng repolyo, broccoli at cauliflower.


Ayon sa mag asawang sina Claver at Fleann Molot, idea raw ito ng kanilang tiyahin.
Hindi naman raw nila ito tinanggihan dahil bukod sa kakaiba ito ay pagsasaka rin ng gulay ang kanilang ikinabubuhay.

Masaya ang mag asawa dahil hindi nila akalaing mapapansin ang kanilang simpleng kasal hanggang sa mag viral ito sa social media.

Ayon pa sa mag asawa, hindi naman raw nasayang ang mga gulay na ginamit na dekorasyon dahil ipinamigay ito sa mga dumalo sa kasalan.

Malaki rin raw ang kanilang natipid dahil hindi na sila bumili ng iba pang palamuti.


Share this

Related Posts

Previous
Next Post »